01.
Buhay At Bukid
Ang Buhay niya ay bukid, kaulayaw bawat saglit / Munti niyang panagarap, dito na lang nalibing / Kailan pa ba makikita ang lupang minana / Ay maari na ring tawaging kanya / Bawat butil na pinagyaman ay pait ng kawalan / Sa gitna ng kahirapan may uring nakinabang / Kailan pa ba makikita ang lupang minana / Ay maari na ring tawaging kanya / Lalaya rin ang lupa at mga magsasaka / Tutulungan sila ng mga manggagawa / Babawiin ang lupang ninakaw ng iilan / At ang bunga ng lupa'y bayan ang aani /
02. Nasa Atin Ang Panahon
Nais kong makipaglaro sa alon / At sa aliw ng hangin ay sumayaw / Nais kong makatalik ang rilag ng kalikasan / Ngunit mananatili bang pangarap ng lamang / Mga dagat at ilog ay may lason at dugo / Kailan kaya ito mahihinto / Isang araw, bawat tuwa ay papanaw / Mga bata'y masasadlak sa hirap ng buhay / Halinang likhain, itayo ang bukas / Para sa ating mga anak / Ipaghanda sila ng daigdig na sagana / Nasa atin ang panahon /
03. Buksan Ang Iyong Puso
Ano kayang bukas ang darating / Sa bayang may pasakit pagka't biyaya'y pinagkait / Kayrami nang batang nagigising lamang / Sa maagang pagpanaw ng pag-asa o buhay / Buksan ang iyong puso / Huwag ka nang magsawalang-kibo / Pagluha'y di sapat / Ang kailangan ay pagganap / Ibahagi ang iyong panahon / Sa pagtugus ng nilalayon / Damhin mo ang hapdi at pait ng kahirapan / na ngayo'y nararanasan ng iyong mamamayan / Ilan na bang mga musmos ang sinawi ng dalita / Ilan na bang mga bayani ang nag-alay sa lupa / Kailan mo pakikinggan ang tawag ng bayan / Ngayon na ang panahon / Ang pagkilos mo'y kailangan / Nagpipiglas ang damdamin / Maayang bukas ay yakapin / Buksan ang iyong puso... /
04. Sakada
Bakit kaya nagkaganyan / Ang ating kapaligiran / Doon, dito ay luhaan / Kahit saan may tangisan / Bakit kaya naghihirap / Tayong mga lumikha / Ng yaman ng ating bansa / Tayong mga manggagawa / Tanong ko sa inyo / Isa lamang mga kaibigan ko / Tanong ko ay pakinggan nyo / Saan tayo patungo / Saan mula rito / Ngunit nagbabago ang lahat / Kung tayo ang siyang gaganap / Lakbayin natin kahit may kalayuan / Ang maaliwalas na daan / Tatlong bundok man ang hadlang / Sa ating paroroonan / Hukayin natin hanggang sa mawala / Tayo'y ganap na lalaya / Tanong ko sa inyo / Isa lamang mga kaibigan ko / Tanong ko ay pakinggan nyo / Kailan tayo patutungo / Sa kalayaan mula rito / Ngayon tayo patutungo / Sa kalayaan mula rito / Sa kalayaan mula rito /
05. Tatsulok
Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo / Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo / Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan / At baka tamaan pa ng mga balang ligaw / Totoy makinig ka, huwag kang magpagabi / Baka pagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi / Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo / Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito / Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban / Ang kulay at tatak ay di syang dahilan / Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan / At ang hustisya ay para lang sa mayayaman / Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok / Hindi matatapos itong gulo / Lumilikas ang hininga ng kayraming mga tao / At ang dating lunting bukid ngayo'y sementeryo / Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok / Katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok / Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban / Ang kulay at tatak ay di syang dahilan / Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan / At ang hustisya ay para lang sa mayayaman / Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok / Hindi matatapos itong gulo /
06. Tumindig Ka
Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalilipas / Ilang pangulo ng ang nagdaan / Wala pa ring asenso si Juan / Subsob pa rin sa kahirapan / Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalipas / Ilang pangulo na ang nagdaan / Wala pa ring masilungan si Juan / Tagpi-tagpi pa rin ang kasuotan / Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalipas / Ilang pangulo na ang nagdaan / Wala pa ring sariling lupa si Juan / Nakikisaka't baon sa utang / Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalilipas / Ilang pangulo na ang nagdaan / Kulang pa rin ang sweldo ni Juan / Wala pa ring sariling lupa si Juan / Wala pa ring masisilungan si Juan / Subsob pa rin sa kahirapan / Tumindig ka, tumindig ka / Ipaglaban mo si Juan / Tumindig ka, tumindig ka / Ipagtanggol mo si Juan /
07. Lea
May ningning pa ang mga bituin / Nagbangon na sila't handa nang salubungin / Yaong mga mangingisdang nagpalaot sa magdamag / Katulad ng marami pang kabiyak naroroon si Lea, naghihintay / Kilala nya ang kilos ng dagat / Kilala niya ang mga awit ng habagat / Saksi ang mga alon sa wagas ng pagsuyo / At sa tuwing pagdating ng sinta / Panglaw sa puso'y dagling naglalaho / Wala mang katiyakan, muling pagsasama / Natutunan na niyang mahalin ang pangamba / Natutunan na niyang mahalin ang paghihintay / Wala mang katiyakan, Naroroon si Lea, naghihintay / May ningning pa ang mag bituin / Nagbanong na siya't handa nang salubungin / Ang mahal na asawang lagi't laging lumilisan / Ang tubig sa kanyang mga mata / Maaring luha ng tuwa o pagdurusa / Wala mang katiyakan... /
08. Sa Kandungan ng Kalikasan
Sa sinapupunan mo ako nagmula / Binigyan ako ng puwang at laya / Binigyan ako ng saganang lupa / Upang sakahin at pagyamanin / Binigyan ako ng ilog at dagat / Upang sisirin at doon maglayag / Binigyan ako ng ulan at araw / Upang sumibol ang binhi ng buhay / Sa kandungan ng kalikasan / Dito ako sinilang / Sa kandungan ng kalikasan / Dito ako nabubuhay / Sa kandungan ng kalikasan / Dito ako hihimlay / Sa kandungan mo ako natutong umibig / Nangarap abutin ang tala sa langit / Sa kandungan mo ako natutong umawit / Salamat, salamat, mahal kong daigdig / Sa kandungan ng kalikasan / Dito ako nabubuhay / Sa kandungan ng kalikasan / Dito ako hihimlay /
09. Usok
Usok, usok, halos di makahinga / Sa kapal ng usok, usok / Parang hihikain sa dumi ng usok, usok / Usok na nakakalason / Isang araw ako'y nag-aabang ng sasakyan / Sa Cubao patungo ng Baclaran / Nang biglang sa harap ko'y humarurot ang sasakyang at ako'y binugahan ng / Usok, usok, halos di makahinga / Sa kapal ng usok, usok / Parang hihikain sa dumi ng usok, usok / Usok ng sasakyan / Isang araw ako'y nakasakay sa lumang jipney biyaheng Recto / At gitara lang ang bitbit nang ang mama sa tabi ko'y nagsindi ng sigarilyo / At pasahero'y binugahan ng / Usok, usok, halos di makahinga / Sa kapal ng usok, usok / Parang hihikain sa dumi ng usok, usok / Usok ng sigarilyo / Abot-tanaw ko sa aking paglalakbay / Via EDSA patungong Alabang / Ang tsimineya ng mga pabrika'y patuloy na sumusuka't / Buong lungsod ay binugahan ng / Usok, usok, halos di makahinga / Sa kapal ng usok, usok / Parang hihikain sa dumi ng usok, usok / Usok na nakakalason /
10. Maynila
Sira-sirang lansangan / Hikang mga sasakyan / Sa gabi't araw na digmaan / Makapal na usok ang iniwan / Mga tulay na marurupok / Gusaling nabubulok / Ilog na di umaagos / Puno ng basura't alikabok / Ikaw lamang, wala ng iba / Sa dibdib mo ipipikit ang mata / Tahanan ng aking kamusmusan / Maynila / May dalang sakit ang hangin / Ang dagat ay kulay itim / Wala nang isda sa ilog / Wala na ring ibon sa langit / Ikaw lamang... /
11. Kanlungan
Panapanahon ang pagkakataon / Maibabalik ba ang kahapon / Natatandaan mo pa ba / Nang tayong dalawa ay unang magkita / Panahon ng kamusmusan / Sa piling ng mga bulaklak at halaman / Doon tayo nagsimulang managarap at tumula / Natatandaan mo pa ba / Inukit kong puso sa punong mangga / At ang inaalay kong gumamela / Magkahawak-kamay sa dalampasigan / Malayang tulad ng mga ibon / Ang gunita ng ating kahapon / Ang mga puno't halaman / Ay kabiyak ng ating gunita / Sa paglipas ng panahon / Bakit kailangan ding lumisan / Panapanahon ang pagkakataon / Maibabalik ba ang kahapon / Ngayong ikaw ay nagbalik / At tulad ko rin ang iyong pananabik / Makita ang dating kanlungan / Tahanan ng ating tula at pangarap / Ngayon ay naglaho na / Saan hahanapin pa / Lumilipas ang panahon / Kabiyak ng ating gunita / Ang mga puno't halaman / Bakit kailangang lumisan / Pana-panahon ang pagkakataon / Maibabalik ba ang kahapon /
12. Oyayi Sa Mundo
Aking mundo / Ihimlay ang pagal mong katawan / Sa duyan ng kalawakan / Hayaang maghilom ang mga sugat sa iyong dibdib / Na nilikha ng mga tao / At itigil ng isang saglit / Ang iyong paggalaw / Pagkat sa muli mong pag-inog / Ay may bago nang bagay / At itigil... / Aking mundo... /

Harrah's Casino and Resort Spa, Murphy, MS - Mapyro
ReplyDeleteGet directions, reviews and information 군포 출장마사지 for Harrah's 경기도 출장안마 Casino and Resort Spa, Murphy, 정읍 출장안마 MS in 진주 출장마사지 Murphy, MS. 거제 출장안마